Ang Aking Nakatagong Liham Ay Iyong Buhay Pag-Ibig

Aminin ni MJ Aquines




“Aminin”
(Totoo ba?)



Bakit nga ba may mga tao na sa unang pagkikita
nyo pa lang ay naiilang ka na sa kanya?


Sa unang tingin walang dating;
Sa unang pag-uusap,
isang tanong isang sagot;
Sa ikalawang pagkikita,
isang ngitian lang
tapos na.


Pero pagnagtagal hindi mo aakalain,
s’ya na pala ‘yung gusto mong
makasama.



Paano ba naman kasi
lahat ng akala mo sa kanya
nung una ay bigla na lang nagbago...


Kung noon walang dating,
ngayon iba na at may
kasama pang kaba.


Kung dati isang tanong isang sagot,
ngayon marami na ang napag-uusapan,
minsan kulang pa.


Kung noon at dati isang ngitian lang tapos na,
ngayon may kasama pang tawa
bitin pa.


Nakakatuwa nga naman ‘yung mga pangyayaring ganito


Akala mo ganun sila sa unang tingin
‘yun pala iba at
hahanap-hanapin mo pa.


Minsan pa nga ‘yung isa sa kanila
ang magpapatibok
ng puso mo.


Oh ‘di ba totoo naman ‘yung sinasabi ko?


Kunwari ka pa na hindi mo alam
pero ang totoo ay
nangyari na yan sa’yo.



Pakinggan mo lang ng ilang beses,
huwag kang mainip,                                                                                              malay mo tama na ‘yung tinitibok ng puso mo




UmMmm  Aminin




Totoo ba?







May Akda: MJ Aquines

(Source: lihamnimj)

Maliit Lang Ang Mundo ni MJ Aquines





“Maliit lang ang Mundo”
(Hanggang sa Muling Pagkikita)




Kung tutuusin, maliit na lang ang mundo
na ating ginagalawan…


Kaya hindi na mahirap hanapin pa
‘yung mga tao na naging bahagi na
ng ating buhay.


Kung gugustuhin ko man silang makita,
may paraan;
Pero kung hindi pa itinakda,
may panahon para dyan.


Kung mapapansin, pwedeng magkita ang dalawang tao
sa hindi inaasahang pagkakataon;
Kung hindi man papalarin, sadyang hindi
nakalaan at ito’y maglalaon.


Kung nanaisin, totoong nagtatagpo ang nakatadhana
kahit saan pa man ito mapunta, maligaw
 o
dalhin ng kanyang puso sa
kanyang hinahanap.


Sa makatuwid, kung talagang kayo ang nakatadhana para sa isa’t isa,      kahit ano pa man ang mangyari, sa huli kayo pa ring dalawa…


Ang tanong kailan?



Sa tamang oras at
sa tamang panahon


Maliit lang ang mundo
kung mapapansin mo lang,
tingin ka lang kahit saan,
baka nasa tabi mo na pag-ibig
hindi mo pa nakita
sayang naman


Ingat ka, marami kasi
ang mapagpanggap



Hanggang sa muling pagkikita







Ipagpapatuloy…







May Akda: MJ Aquines

(Source: lihamnimj)